Friday, December 24, 2010

Ang buhay ng isang kartunista



Nung bago pa lamang ako sa larangan ng pagguhit ng cartoon para sa mga diyaryo na ibig kong pasahan ng mga gawa o sample, ay hindi pala gawang biro upang ikaw ay matanggap o pagbigyan na mailabas ang iyong mga gawa lalo na't kung ikaw ay hindi pa kilala.
Hindi naman kailangan ang requirements na tulad ng diploma o NBI clearance para matanggap ka sa iyong inaaplayang publishing newspaper o kaya naman ay nag-graduate ka bilang isang fine artist. Ang kailangan lang pala ng isang publisher o ng isang editor ay, may gats ka o may dating ang istilo mo sa larangan ng cartoons. May sariling style at malalim at may idinidiin ka sa iyong mga gawa.
duon ko napagtanto na mahirap din pala na marunong ka lang sa pagdrowing ng cartoons. dapat din pala ay marunong ka ring magsulat ng istorya na nakakatuwa at pwedeng kilalanin at maimpluwensyahan ang mga bata o matanda na makakakita rito. tulad ng mga karakter na sina asyong aksaya, barok at mang kepweng.
Naisip kong gayahin ang style ni Larry Alcala pero mahirap din pala sundan ang style niya dahil limitado lang ang kilos ng karakter ko. at naghahanap pa ako ng references buhat sa kanyang mga obra. At dahil sa tiyaga kong hanapin ang istilong pwedeng sabihin na ako na nga ang gumawa at hindi nanggaya, ay marami naman ang bumatikos at hindi naniwala. dinebelop ko ang style ni Alcala at hindi maikakaila na siya ang sinundan kong style. Pero nalaman kong marami pala kami (aspiring Alcala) na pilit na sinusundan ang isitilo niya kaya lalo akong naging aggressive. sila mga nais pang sumunod sa yapak ni Alcala, sila na lang ang sumunod (ayoko kayang mamatay agad! hahahaha! joke!)
Sabi nga ng aking dating editor na si mam josie ng Atlas! "Siguro nga Blad, sisikat ka rin. Kahit hindi ka masyadong marunong magdrowing basta't masipag at may disiplina ka sa iyong sarili!" At iyon ang nagpalakas ng loob sa akin. Salamat kay Mam Josie.

No comments:

Post a Comment