Saturday, December 31, 2011

BIOTECH finalist by Bladimer Usi




Malaking bagay ang mapabilang ka sa mga binibigyan ng award lalo na kung cash. Pero sadya yatang mailap sa akin ang makahawak ng malaking prize. Kunsabagay, bakit ko pa hahangarin ang mas malaking halaga kung hindi ko naman gaanong pinagbuhusan ng pansin ang ipanlalaban ko sa contest. Basta ang mahalaga, marami akong natutunan during the awarding at marami pa akong nakilala. Masaya na rin ako.

PICCA 2011 by Bladimer Usi


Naaalala ko pa ang isang event na dinaluhan ko at isa ako sa sumali ng 'caricathon' with jun aquino and some of the professional cartoonist and illustrator. Nakapag-enjoy na ako, isa pa ako sa nanalo. Hindi ko nga ine-expect na malaki rin ang prize at may kasama pang oil pastel and book about philippine illustrators and cartoonist. salamat kay sir Boboy Yonzon dahil s'ya lang naman ang masipag at pasimuno sa larangan ng art at iba pa. Pero hindi magagampanan ang lahat ng ito kung wala ang kanyang mahal na asawa at kapamilya....

Friday, December 30, 2011

unggutero ni bladimer usi






Masaya ako kapag may nagsabing 'natawa ako sa ginawa mong joke kahit korni'. At para sa akin, hindi yun pang-iinsulto sa kakayanan ko bilang writer cartoonist dahil nangangahulugan lang na pinagkakainteresan at binibigyang panahon na basahin ang mga korni kong jokes. At iyan din ang dahilan kung bakit ako patuloy nai-inspire sa mga comment. Negative o positive, pareho din sa akin ang pakahulugan niyon..... may natatawa at pumapansin sa akin... Ganyan ako kababaw!

slice of life cartoon by bladimer usi


kapag dumarating ang hindi inaasahang kalamidad sa ating bansa, saka pa lamang natin nararamdaman ang tunay na pagkakaisa ng ating mga kababayan. at sana ay magpangiti sa inyo ang munti kong alay na may kinalaman sa pagtulong at pagsagip sa kapwa na hinaluan ng konting kakatuwang pangyayari. (hindi po pang-iinsulto kundi magpasaya sa lahat) salamat po.

Thursday, August 25, 2011

SLICE NA KULITAN!

ito ay tunay na makukulit na eksena sa buhay nating mga Pilipino! Konting kutkot, konting ngiti, ayos na ang kasiyahan! hahahahaha!

Wednesday, February 2, 2011

Dinner Party SMNI





Ito ay isang dinner ng SMNI na kasama ang ang CEO President Pastor Apollo Quiboloy at ang lahat ng bumubo ng SMNI.
Iba't ibang division tulad ng Newspaper publishing, all tv network na pag-aari ni Pastor, mga radio station at iba pang engineering at legal attorneys na bumubuo sa pag-aari ni Pastor.
I am proud dahil isa ako sa mga naimbitahan at nakakain ng masasarap na inihanda nila nung gabing yon. Salamat po sa bumubuo ng Pinas Publishing at kay Pastor.

Sunday, January 16, 2011

my family reunion




Minsan lamang mabuo ang aming pamilya at kadalasan ay kami pa ang wala (kami ng asawa ko at mga anak) kaya naisipan kong kami na ang dumalaw sa Antipolo at duon gawin ang munting salu-salo at pwede na ring tawaging reunion.
Ako ang panganay sa magkakapatid at kahit may sarili na kong pamilya ay hindi ko pa rin maialis ang responsibilidad ko na paalalahanan ang aking mga kapatid na patuloy nilang mahalin ang aming magulang at dapat silang sumunod sa aming magulang at sa akin kung hinde, iba akong magalit!
Istrikto at disiplinado ako kapag may kinalaman sa pamilya. Hindi kasi natatakot sa magulang ko ang aking mga kapatid kaya ako ang madalas napagsusumbungan ng mama ko kahit sa cellphone man lang.
Idinadaing ng aking ina ang tungkol sa 'di pagsunod at 'di pakikinig ng aking mga kapatid kaya ako na ang kumakastigo sa kanila.
madalas kong sabihin sa kanila na kailangang pasayahin nila at 'wag bigyang sama-ng-loob ang aming mga magulang dahil kokonting panahon na lamang ang ilalagi nila dito sa ating mundo at maging tayo rin. ayokong pagsisihan bandang huli ang umiyak sa aking magulang nang hindi na nila nariringgan pa.
ngayon pa lang e kailangan kong umiyak at magpasaya sa kanila. bigyan ng kahit kaunting reward dahil sa kanilang pagtitiyagang mag-alaga sa amin.
hindi naman mapaghanap o nanghihingi ang aking magulang subalit mararamdaman mong kailangan din nila ng kahit kongting pera, maging masaya at pagmamahal.
hay, buhay! dito ko lang talaga nailalabas ang king saloobin. salamt na lang at may blog site.