Sunday, January 16, 2011
my family reunion
Minsan lamang mabuo ang aming pamilya at kadalasan ay kami pa ang wala (kami ng asawa ko at mga anak) kaya naisipan kong kami na ang dumalaw sa Antipolo at duon gawin ang munting salu-salo at pwede na ring tawaging reunion.
Ako ang panganay sa magkakapatid at kahit may sarili na kong pamilya ay hindi ko pa rin maialis ang responsibilidad ko na paalalahanan ang aking mga kapatid na patuloy nilang mahalin ang aming magulang at dapat silang sumunod sa aming magulang at sa akin kung hinde, iba akong magalit!
Istrikto at disiplinado ako kapag may kinalaman sa pamilya. Hindi kasi natatakot sa magulang ko ang aking mga kapatid kaya ako ang madalas napagsusumbungan ng mama ko kahit sa cellphone man lang.
Idinadaing ng aking ina ang tungkol sa 'di pagsunod at 'di pakikinig ng aking mga kapatid kaya ako na ang kumakastigo sa kanila.
madalas kong sabihin sa kanila na kailangang pasayahin nila at 'wag bigyang sama-ng-loob ang aming mga magulang dahil kokonting panahon na lamang ang ilalagi nila dito sa ating mundo at maging tayo rin. ayokong pagsisihan bandang huli ang umiyak sa aking magulang nang hindi na nila nariringgan pa.
ngayon pa lang e kailangan kong umiyak at magpasaya sa kanila. bigyan ng kahit kaunting reward dahil sa kanilang pagtitiyagang mag-alaga sa amin.
hindi naman mapaghanap o nanghihingi ang aking magulang subalit mararamdaman mong kailangan din nila ng kahit kongting pera, maging masaya at pagmamahal.
hay, buhay! dito ko lang talaga nailalabas ang king saloobin. salamt na lang at may blog site.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment