Friday, December 24, 2010

big break of my editor KC CORDERO





Alam nyo ba na may nakilala akong isang editor na sa una'y hindi ko mapapagkamalang editor dahil sa pananamit nito at buhok. naka t-shirt at maong short, naka-hair dye na kulay brown, naka-bag pack. At siyempre, first impression ko sa kanya ay suplado! (akala ko pa nga nuon e, bading! heheh)
Nagkasama kami sa The Manila Times Publishing at nung panahon na yun e first time ko mag-in-house cartoonist. ('buti at nagtiwala sa akin si sir BoyTogs). Minsan may ipagagawa syang illustration duon sa nag-aassist sa kanya at sa akin nga itinuro upang ako ang gumawa e, naalangan pa yata sa akin at akala'y kung sino akong may mataas yatang posisyon sa kumpanya. (dahil siguro sa hilig kong mag-desente!) At duon kami unang nagkakilala.
Na-shock nga ako nang malaman kong isang Kc Cordero ang kaharap ko. I mean, yung editor sa Atlas na nag-reject sa akin at parang nilipad ng hangin ang sample artwork ko. (medyo natawa nga lang siya at di na masyado matandaan dahil siguro sa kasikatan niya nuon at sa ngayon. hehehe) pero ang isa pang nagpa-shock sa akin, na ang isang Kc Cordero pala na magaling sa mga kuwentong nobela at prosa ay isang LALAKE? Naku!
Pero s'ya na pala ang naging daan upang ipagpatuloy ko ang isang career na pagiging CARTOONIST. Siya ang Kc na supladong kaibigan ko na maraming naitulong, hindi lang sa akin kundi sa iba pang kapwa manunulat at dibuhista. Siya ang nag-reject sa akin nuon, ngunit nagtiwala nang lubos upang ako ay bigyan ng pagkakataon na magpasaya at magpakilala sa lahat nang mambabasa.
Salamat pare! You're my boss! Kung meron mang umaway sa 'yo, hatian mo ako para maipagtanggol kita. Hindi natin sila gagamitan ng bato o kutsilyo o baril. sa halip, gagamitan natin sila ng ating mga pen and ink na may kasamang isip at damdamin. At duon natin sila gagantihan..... nang pagmamahal! okey?

2 comments:

  1. Pare,
    mahusay ka, matiyaga at propesyunal kaya malayo ang narating mo at mararating pa. congrats!

    ReplyDelete
  2. salamt pre. nga pala, december 26, 2010 namatay si Pablo Gomez at nalulungkot din ako dahil siya ang unang nagpaseminar sa mga baguhan at nangangarap maging writer o illustrator. kasama pa nga nuon si vincent kua. sige pre, salamat sa comment

    ReplyDelete