Sunday, January 22, 2012

baby bladimer usi


Ganito ako nung sanggol pa ako. Hehehe!

dragon dance unggutero ni bladimer usi


Pinagsama-samang karakter sa Unggutero ang nakiisa sa pagdiriwang sa chinese new year, simple ngunit makukulit ang mga bida rito.

Sunday, January 15, 2012

hundred dollar bill by bladimer usi


simple lang naman ako mangarap, ang magamit ko ang perang galing sa akin. Yun bang ako ang nasa pera. ewan ko ba? Puro pera na lang nasa sa isip ko. Pero isa lang ang sigurado... Hindi pala pera ang dapat isipin kundi, ang tunay na DIYOS!

Friday, January 13, 2012

pinoy big jokes ni bladimer usi



Masaya ko nang ipagkatiwala sa akin ang mga illutration at jokes sa magasing ito. malaking oportunidad para sa akin.... at pinagmamalaki ko at pinasasalamatan ko ang mga publisher ng joke magasin na 'to. at symepre, ang lubos na nagtiwala sa kakayahan ko, si bos kc cordero. salamat po

super jokes na pinoy ni bladimer usi




mini-komiks ang dating at isusulit ang iyong biniling joke magasin /komiks. basahin mo. at kapag hindi ka natawa, hanapin mo ako at patatawanin kita..... sa kiliti! hahhahha!

Wednesday, January 11, 2012

Caricature of Msgr Juanito figura by Bladimer Usi


Malaki ang naiambag ni Monsi sa simbahang katolika at sa CBCP. marami ring natulungang mga ordinaryong tao na nangangailangan. Marunong siyang makibagay kahit kanino. At syempre pa, madaling lapitan at masayahin.

Monday, January 9, 2012

slice of life with bladimer usi


Ilan lamang ito sa aking likuran ang dinodrowing ko, ang slice of life. At na-inspire ako sa yumaong maestro larry alcala sa kanyang malikot at makukuklit na karakter. at lalo pang tumingkad ang kanyang mga obra dahil pinoy na pinoy ang dating.

mister quickie komiks story 5 ni bladimer usi


Pampamilya ang istorya kahit ito ay pinamagatang 'key duplication'. Hindi maaalis ang moral value dito 'pagkat ito ang una nilang priority, ang maturuan ng magandang asal ang bawat miyembro ng pamilya.

mister quickie komiks story 4 ni bladimer usi


Ang mister quickie ay hindi lang ito gumagawa ng sapatos, bag o susi. Ito rin ay maaasahan sa pagtulong sa pagtitipid ng pera, pagtulong sa environment at iba pang bagay na may kinalaman sa pagtulong at pag-ingat sa kalikasan. at maaari din silang tumulong may kinalaman sa edukasyon at moral values. nagtataka siguro kayo kung bakit. isang paraan ng mister quickie na makilala rin sa iba pang bagay. kaya't sana ay makiisa rin tayo sa kanyang adhikain.... Mister Quickie to the rescue na!

mister quickie komiks story 3 ni bladimer usi


tumatalakay ito sa recycling the environment. kahit may pera tayo, kailangan pa rin nating pahalagahan ang mga nasira at lumang gamit. sa halip na itapon, baka pwede pang ipatahi o ayusin para magamit uli. o kung ayaw mo na, ipamigay na lang sa mas higit na nangangailangan.

mister quickie komiks story 2 ni bladimer usi


Tungkol naman ito sa paggawa ng bag. May aral kang matututunan dito!

mister quickie komiks story 1 ni bladimer usi


May aral kang matututunan sa komiks na 'to. tungkol ito sa shoe repair. Basahin mo!

Sunday, January 8, 2012

slice of life entitled 'piyestahan' by bladimer usi


Ang Pilipinas na yata ang tanging bansa na may pinakamaraming piyestahan sa buong mundo. Kaya maraming turista ang nagpupunta rito.

slice of life entitled 'light rail transit' by bladimer usi


Gusto mo bang makarating agad sa tamang oras sa pagpasok sa eskuwela o opisina? (para lang ito sa bandang maynila at edsa)kaya lang may isang kondisyon. kaya mo bang makipagsiksikan sa umaga o rush o hour? Kung kaya mo, sakay na sa tren. (LRT O MRT)

slice of life entitled 'lenten season' by bladimer usi


Taun-taon ay ganito ang ginagawa ng ilan sa ating mga kababayan, ang magbawas raw ng kasalanan!

slice of life entitled 'lamayan sa patay' by bladimer usi


Karaniwan na sa ating mga pinoy ang makipaglamay sa isang kakilala o kahit hindi basta't makapunta lang sa lugar ng burol. Ang isang dahilan kung bakit masigasig ang ilan ay dahil may matatambayan sa gabi, makakakain pa ng hapunan at minindal. pwede rin itong maging lugar na tambayan ng magkakaibigan, tsismisan at kasiyahan. kabaligtaran naman sa namatayan! Sila pa ang nagpapakain!

slice of life entitled 'football soccer' by bladimer usi


May bagong sport na kinagigiliwan ng mga Pinoy. At ito at ang football soccer. Mas athletic at madaling makabawas ng taba!

slice of life entitled 'ilog pasig' by bladimer usi


Pangalagaan natin ang ilog sa pasig at panatilihing malinis ito. At disiplinahin ang ating mga kababayan at turuan na ang pagmamahal sa kalikasan, ay pagmamahal sa ating bayan.

slice of life entitled 'kapitbahay' by bladimer usi


Ang ating mga kaibigan ay nasa ating tabi lang. sila ang ating mga kapitbahay.

slice of life entitled 'katutubo' by bladimer usi


Mga kapatid din natin sila na dapat igalang at kilanlin. Turuan natin silang magbasa at magsulat!

slice of life entitled 'ingat kalikasan' by bladimer usi


Panatilihan at tulungan nating maibalik ang ganda ng kalikasan. Upang magamit ng susunod na henerasyon.

slice of life entitled 'internet cafe' by bladimer usi


nakatutuwang eksena at totoong nangyayari sa loob ng internet cafe. 'wag sanang abosohin ng iba ang paggamit ng internet sa mga pornsite nito.

Sunday, January 1, 2012

Onward Publishing Party



Marami akong nakilala nung magpunta ako sa Onward krismas party. At natuwa naman ako dahil iba ang aura ng mag-asawa at may-ari nito, ang babait. Kaya siguro itong bosing kong si KC Cordero ay masayang nagtatrabaho sa kanila. At sobrang asikaso sa lahat ng bisita. Nariyan sina Ate Ofie, Alex Areta, mag-asawang Armand Francisco, Art Cole at iba pa....(sensya na sa ibang hindi ko natukoy ang pangalan).

Mister Quickie Slice Cartoon 2012 by Bladimer Usi


Sabi nga, kung muli nagpagawa sa iyo ang isang kostumer o kliyente tulad ng slice cartoon, nagtiwala at nakumbinsi mo siya sa iyong obra! At mahal ko rin naman ang trabaho ko kaya't gusto kong mas mapabuti at maimprove ang lahat ng ginagawa ko. salamat na lang at marami ang nagtitiwala sa kakayanan ko. Hindi ko naman sinasabi na magaling ako kundi, sinusunod ko lang ang gusto ng nagpapagawa sa akin.

Mister Quickie Slice Cartoon 2011 by Bladimer Usi


Nang maassign sa akin ang paggawa ng slice cartoon sa Mister Quickie, sobrang saya ko dahil kilalang kumpanya ang ginagawan ko ng cartoon.

Caricature ni Bladimer Usi


May sequence itong pinagawa sa akin kaya't sinunod ko lang ang gusto ng client ko. Masaya naman ako at nagustuhan niya. May nakatutuwa pero walang malisya sa kalokohan.

SKP meeting


Ngayon ko lang nai-post dito sa blog. medyo matagal na rin itong picture na 'to. Nasa isa kaming kuwarto ng National Press Club upang talakayin ang launching ng book of skp at planong pakontest ng NPC.

Dept. of Agrarian Reform (DAR) Cartoonist by Bladimer Usi


Enjoy talaga kapag kasama kong gumagawa ng caricature ang mga sikat na kartunista sa Pilipinas! Minsan ay nabigyan kami ng pagkakataon na makaharap at makausap ang DAR Secretary last year. Medyo kahawig niya si Pnoy. Medyo lang ha. At ang kagandahan pa nito habang binuburire ang drowing o kinakarikatyur si Sec, e binigyan pa kami ng token (hindi token sa LRT o MRT) pero talaga nga namang hindi maiiwasan ang kulitan ng bawat kartunista sa araw na iyon. Iba kasi ang magkakaibigan, may konting bonding at the same time, kumikita! salamat ke Sir Boboy!