malaking laban sa pagkontrol sa mga tabako at sigarilyo. ngunit nasa atin pa rin ang pagkontrol sa sarili upang maiwasan ang kanser sa baga at kung ano pa...
isang katotohanan na hindi maikakaila sa ating mga bagong graduate, na mahihirapan silang makahanap ng trabaho dahil sa dami ng kompetisyon, palakasan at kakapusan ng mapapasukang kompanya.
isang dahilan ng pagbaha sa kamaynilaan ay pagbara ng mga basura sa mga kanal o pagdadaluyan ng tubig. at isa ring dahilang ng pagbaha nito ay dahil sa kawalan ng disiplina ng mga tao at residente nito.
napakaliit ng puwersa ni juan dela cruz kumpara sa puwersa ng tsino. ngunit hindi basehan ang malaki o dami basta't alam mong nasa tama ka at hindi nang-aapi.
ito ang sandata ng mga nais ipaalam ang pangyayari sa paligid. sila ay maaaaring lapitan at hingan ng tulong at ipabatid ang inyong sama ng loob o anumang anomalya sa gobyerno o kahit anong ahensya. sila ang media at press people na laging panig sa katotohanan.
wala ng pinipili ang mga kriminal sa ngayon, pumapatay na rin sila kahit nakuha na nila ang kanilang gusto. mas lalong lumalala ang krimen sa panahon natin ngayon.
pinag-iisipan ng pamahalaang aquino na ibenta ang suplay ng enerhiya sa ibang pribadong kompanya upang sila na ang magpatuloy ng suplay sa lumalalang brownout sa mindanao.