Saturday, December 31, 2011

BIOTECH finalist by Bladimer Usi




Malaking bagay ang mapabilang ka sa mga binibigyan ng award lalo na kung cash. Pero sadya yatang mailap sa akin ang makahawak ng malaking prize. Kunsabagay, bakit ko pa hahangarin ang mas malaking halaga kung hindi ko naman gaanong pinagbuhusan ng pansin ang ipanlalaban ko sa contest. Basta ang mahalaga, marami akong natutunan during the awarding at marami pa akong nakilala. Masaya na rin ako.

PICCA 2011 by Bladimer Usi


Naaalala ko pa ang isang event na dinaluhan ko at isa ako sa sumali ng 'caricathon' with jun aquino and some of the professional cartoonist and illustrator. Nakapag-enjoy na ako, isa pa ako sa nanalo. Hindi ko nga ine-expect na malaki rin ang prize at may kasama pang oil pastel and book about philippine illustrators and cartoonist. salamat kay sir Boboy Yonzon dahil s'ya lang naman ang masipag at pasimuno sa larangan ng art at iba pa. Pero hindi magagampanan ang lahat ng ito kung wala ang kanyang mahal na asawa at kapamilya....

Friday, December 30, 2011

unggutero ni bladimer usi






Masaya ako kapag may nagsabing 'natawa ako sa ginawa mong joke kahit korni'. At para sa akin, hindi yun pang-iinsulto sa kakayanan ko bilang writer cartoonist dahil nangangahulugan lang na pinagkakainteresan at binibigyang panahon na basahin ang mga korni kong jokes. At iyan din ang dahilan kung bakit ako patuloy nai-inspire sa mga comment. Negative o positive, pareho din sa akin ang pakahulugan niyon..... may natatawa at pumapansin sa akin... Ganyan ako kababaw!

slice of life cartoon by bladimer usi


kapag dumarating ang hindi inaasahang kalamidad sa ating bansa, saka pa lamang natin nararamdaman ang tunay na pagkakaisa ng ating mga kababayan. at sana ay magpangiti sa inyo ang munti kong alay na may kinalaman sa pagtulong at pagsagip sa kapwa na hinaluan ng konting kakatuwang pangyayari. (hindi po pang-iinsulto kundi magpasaya sa lahat) salamat po.